Japanese Ambassador Kazuhiko at DOJ Sec. Remulla, nagpulong sa isyu ng human trafficking

Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko kung saan nakipagpulong ito kay Justice Secretary Crispin Remulla.

Ayon kay Remulla, tinalakay sa kanilang pag-uusap ang hinggil sa mga kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa immigration at ang exchange of nationals.

Kabilang na rito ang pagpigil sa human trafficking at mga pugante.


Natalakay rin aniya ang mga cooperation agreement ng dalawang bansa sa sektor ng enerhiya.

Kinilala naman ng kalihim ang Japan bilang isa sa mga pinakamahalagang trading partner ng Pilipinas.

Facebook Comments