Japanese Coast Guard, ipinagpatuloy ang search and rescue operations sa mga nawawalang tripulante ng Gulf Livestock 1

Itutuloy ng Japanese Coast Guard ang pagsasagawa ng aerial search operations para sa 40 iba pang crewmembers ng Gulf Livestock 1 na nawawala pa rin sa karagatan ng Kagoshima Prefecture.

Nabatid na sinuspinde ng Japanese Authorities ang paghahanap sa mga nawawalang crew ng barkong tumaob sa East China Sea.

Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi muna sila gagamit ng patrol boat lalo na at malalakas pa rin ang hampas ng hangin.


Umaasa ang DFA na matatagpuan ang ma iba pang Filipino seafarers.

Patuloy ang coordination at monitoring ng Embahada ng Pilipinas sa Japanese Coast Guard, ship owner at sa manning agency para alamin ang mga bagong detalye at maibigay ang kinakailangang tulong para sa mga Pinoy seafarer at kanilang pamilya.

Sa ngayon, nasa dalawang Pilipino mula sa 39 pa lamang ang nasasagip at mayroong isa na wala nang buhay nang marekober sa karagatan.

Facebook Comments