Japanese counterpart ng RITM, dadating sa bansa para tumulong madetermina ang Coronavirus

Nakatakdang dumating bukas sa pilipinas ang Japanese counterpart ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa harap ng nagpapatuloy na medical observation sa 14 na person under investigation na maaaring tinamaan ng 2019 novel coronavirus o N-Cov.

Ayon kay Duque, makakatulong ang team mula sa Japan na counterpart ng RITM para madetermina kung ang suspected coronavirus sa mga iniimbestigahan ngayon ay siya ring virus na tumama at nagsimula sa Wuhan, China.


Dala-dala ng mga eksperto mula sa Japan ang primer o ang isang tool na may kakayahan na madetermina ang kaso ng novel coronavirus.

Umapela naman ang kalihim sa publiko na huwag pumatol sa mga false information at fake news sa social media na nagsasabing may coronavirus na sa bansa gayung wala pa daw kakayahan ang pamahalaan para madetermina ang isang kaso ng N-CoV.

Facebook Comments