Manila, Philippines – Kinumpirma ng Japanese Embassy sa Pilipinas na magbibigay sila ng tulong pinansyal sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon sa embahada, 2-million US dollars o katumbas ng 101-Million pesos ang humanitarian grant aid na kanilang ido-donate sa Mindanao.
1.2 Million US dollars sa naturang halaga ay nakalaan sa World Food Program at gagamitin sa pambili ng pagkain para sa mga apektadong residente sa conflict areas partikular sa mga bata.
Ang natitira namang 800-thousand US dollars ay gagamitin sa inuming-tubig, sanitization at hygiene.
Facebook Comments