Binisita ng Japanese Emergency Medical Team ang base ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) na naka-deploy sa Türkiye.
Ang mga ito ay sya ring kinatawan ng World Health Organization (WHO) Emergency Medical Teams Coordinating Cell.
Sa impormasyon mula sa Office of Civil Defense (OCD) kapwa nagbahagihan ang mga ito ng kaalaman hinggil sa emergency deployment strategies and protocols.
Samantala, napabilib naman ang Japanese team sa PEMAT Information System.
Ang ginagamit kasi na information management system ng PEMAT sa field ay digitized information system kung saan lahat ng kanilang pinoprosesong impormasyon sa itinayong field hospital sa Türkiye ay digitized na tulad ng sistemang ipinapatupad sa mga fixed hospital.
Lahat ng field hospital services at reporting ay efficient, paper-less, integrated, at real-time kung saan maaari itong i-access kahit walang internet connection.
Pinapurihan din ng WHO ang PEMAT dahil on time ang mga ito kung magsumite ng kanilang daily reports.