Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sina Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako na bumisita sa Manila matapos na magkita ang mga ito sa ikalawang araw na official working visit ng pangulo sa Japan.
Sa isinagawang royal audience, inihayag ng pangulo ang admiration o paghanga ng mga Pilipino sa mga Japanese kabilang na ang nasa 300,000 libong mga Pilipino na itinuturing nang pangalawang tahanan ang Japan.
Ang magulang ni Pangulong Marcos Jr., na sina late President Ferdinand E. Marcos Sr., at dating First Lady Imelda R. Marcos, ay una ng nakapagsagawa ng royal audience sa Imperial couple noong taong 1966 na bahagi ng unang official visit sa Japan.
Samantala, batay sa huling statistics na isinapubliko ng Japan’s Ministry of Justice (MOJ) as of June 2022, mayroong estimated population na 297,262 Pilipino ang naninirahan sa Japan.
Sa bilang na ito 226,057 o 76 percent ay permanent residents, special permanent residents, asawa o anak ng Japanese, asawa o anak ng permanent resident, at long-term residents.