Hindi kasama sa itenirary ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na makaharap si Emperor Naruhito.
Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, napaka-tradisyunal ng Emperial Family lalo na sa protokol at seguridad kaya hindi maaari basta-basta tumanggap ng bisita.
Aniya, kung pagbibigyan kasi ng Emperial Family si Pangulong Duterte baka magpumilit ring makapasok ang mga lider ng India, Indonesia, Malaysia at iba pang lider na dadalo sa Nikkei Forum.
Sa kabila nito, tiniyak ni Laurel na matutuloy naman ang bilateral talks sa pagitan nina Duterte at ni Japanese Prime Minister Shinzō Abe.
Facebook Comments