Pinaunlakan ni Japanese Foreign Minister Taro Kono ang imbitasyon ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. na bumisita sa bansa.
Sa impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) bibisita si Kono sa Pilipinas mula February 9 – 11 para sa kanyang official visit.
Base sa schedule na inilabas ng DFA si Foreign Minister Kono ay makikipagpulong kay Secretary Locsin sa February 10 sa Davao para sa bilateral discussions.
Kabilang sa kanilang tatalakayin ay ang political, economic, and people-to-people engagement partikular ang suporta ng Japan para sa infrastructure development at Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao.
Nakatakda ding makipagpulong si Kono kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang cabinet officials.
Dadalo rin ito sa inauguration ceremony ng Japanese Consulate General sa Davao.