Japanese foreign minister, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas sa susunod na linggo ni Japanese Minister for Foreign Affairs Iwaya Takeshi.

Si Iwaya ay magkakaroon ng official visit sa Pilipinas mula January 14 hanggang 15.

Ito ay kasunod na rin ng imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.


Kabilang sa tatalakayin nina Secretary Manalo at Foreign Minister Iwaya ang usapin sa political, defense, security, economic at development cooperation, gayundin ang iba pang mutual concern ng dalawang bansa.

Magpapalitan din ng pananaw ang dalawang opisyal sa usapin hinggil sa regional at international developments.

Una na ring lumagda ang naturang foreign affairs officials sa Reciprocal Access Agreement (RAA), para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Asia-Pacific.

Ang Pilipinas at Japan ay magdiriwang sa susunod na taon ng ika-70 taong bilateral relations.

Facebook Comments