Japanese-German-Israeli na wanted sa Japan, nadakip

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang Japanese-German-Israeli na pugante at most wanted sa Japan dahil sa infringement ng copyright law.

Kinilala ang dayuhan na si Romi Hoshino alyas Zakay Romi, 28-anyos.

Ayon sa BI, si Hoshino ay manager ng “Manga-Mura,” isang illegal viewing website ng Japanese cartoons na mas kilalang Manga.


Sa pagtaya ng Association of Copyrights of Japan, aabot sa 320 billion yen o 2.9 billion dollars ang damage ng operasyon ni Hoshino na itinuturing na worst violation sa kasaysayan ng copyright law ng Japan.

Pansamantala siyang idi-detain sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang pagpapa-deport sa kanya.

Facebook Comments