Japanese imperial couple, inimbitahan ni PRRD na bumisita sa Pilipinas

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong imperial couple ng Japan na bumisita sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang imbitasyon ni Pangulong Duterte ay ipinaabot niya kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Isang malaking karangalan na mapaunlakan ang pagbisita nina Emperor Naruhito at Empress Masako sa Pilipinas sa hinaharap.


Si Naruhito ay minana ang trono matapos bumaba ang kanyang amang si Akihito.

Matatandaang hindi nakapulong ng Pangulo ang imperial couple sa kanyang ikatlong pagbisita sa Japan.

Facebook Comments