JAPANESE INSPIRED CHRISTMAS VILLAGE, DINADAGSA NG MGA TURISTA SA CITY OF PINES

Malamig na klima, Sakura Blossoms, Shinbashira, Torri, at Wagasa — lahat ng iyan at marami pang iba ang iyong masisilayan sa Rising Sun, isang Christmas Village sa Baguio City.

Dinaragsa ito ngayon ng mga locals at turista dahil sa kakaibang Japanese-inspired theme na nagbibigay ng pakiramdam na nakalipad na rin sila sa Japan.

Makikita sa loob ng village ang iba’t ibang replika ng traditional Japanese cultural heritage na nagsisilbing pangunahing atraksyon sa mga bisita.

Sa entrance fee na ₱200 para sa adults at ₱160 para sa mga batang edad 4 to 12, marami na ang nasisiyahan sa Japan-like experience na may kasamang artificial snow, na lalo pang nagpapalamig at nagpapasaya sa ambience ng lugar.

Pagsapit ng alas-sais ng gabi, tampok naman ang kanilang nightly entertainment show na itinatanghal ang gabi ng pagsilang kay Jesus, bilang pagpapaalala sa tunay na diwa ng Pasko sa gitna ng makukulay na dekorasyon.

Inaasahan na mas lalo pang dadami ang bibisita sa Christmas Village sa mga susunod na araw, lalo na sa pagdating ng holiday break.

Facebook Comments