Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez na mala-tsunami ang pagbuhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais makipag-transaksyon sa Pilipinas.
Sabi ni Romualdez, resulta ito ng limang araw na working trip ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr., sa Japan.
Binanggit ni Romualdez na masaya ang pangulo dahil higit pa sa kanyang inaasahan na bukod sa mga dati nang kompanya ay may mga bago rin na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon kay Romualdez, patunay nito ang 35 kasunduan at letters of intent na nilagdaan sa pagitan ng dalawang bansa at umabot din sa 1,500 na Japanese business firms pa ang nais dumalo sa Philippine Business Opportunities Forum ngunit hindi na magkasya sa venue.
Nakakatiyak si Romualdez na ang paglawak ng pagnenegosyo sa bansa ay magbibigay ng dagdag na trabaho at oportunidad sa mamamayang Pilipino at higit na magsusulong sa ating lumalagong ekonomiya.