Japanese national na may nakabinbing kaso sa kanyang port of origin, arestado sa Parañaque City

Hawak na ngayon ng immigration bureau ang isang Japanese National na may patong patong na kaso sa kanilang bansa.

Kinilala ng mga awtoridad ang Japanese fugitive na si Sugihara Hirotaka, 38- years old na naaresto dahil sa isang deportation order na naihain dito noong 2021 pa.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), taong 2019 pa nagtatago sa bansa si Hirotaka na pumasok noon bilang turista pero hindi na kailan pa lumabas ng bansa.


Kinahaharap ni Hirotaka ang mga kaso ng pangingidnap at panghahalay sa isang babae sa Japan at ilan pang akusasyon ng mga mararahas na insidente kabilang din ang paggahasa sa mga menor de edad sa kanilang bansa.

Siniguro naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na hindi na makakabalik ng Pilipinas ang nasabing Japanese national at isasama na ang pangalan nito sa mga blacklisted at banned individuals mula sa pagpasok sa bansa.

Facebook Comments