
Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang 64-anyos na Japanese national na may nakabinbing kaso ng deportasyon.
Kinilala ang dayuhan na si Makoto Shinoda, na papalabas sana ng bansa patungong Abu Dhabi.
Ayon sa BI, lumabas sa kanilang record na si Shinoda ay nasa watchlist at nais ide-deport bilang “undesirable alien.”
Agad siyang isinailalim sa masusing inspeksyon at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig.
Sinabi naman ni Immigration Commissioner Joel Viado, nahaharap si Shinoda sa reklamong panloloko mula sa dalawa nitong kababayan na nawalan ng mahigit $1 milyon sa isang pekeng real estate project sa Cavite.
Kapag natapos ang proseso, agad na idi-deport si Shinoda at ipagbabawal nang makabalik sa Pilipinas.









