Hindi sinasadyang masagasaan ng driver ng truck ang isang 75 anyos na lolo na nakaupo sa gitna ng kalsada sa Mapandan.
Kinilala ang driver na isang 50 anyos na lalaki habang isang Japanese National naman ang 75 anyos na lolo na naninirahan sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabagtas ng driver ng truck ang kahabaan ng kalsada, nabangga nito ang lolo na nakaupo sa kalsada dahil umano sa pagkalasing.
Pumailalim sa sasakyan ang lolo at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito, na agad namang naitakbo sa unang pagamutan.
Kinailangang ilipat ito sa ibang ospital para sa mas maagap na medikal na atensyon bagamat idineklarang dead on arrival. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver at sasakyan nito para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









