Tatlo pang Japanese nationals na miyembro ng “JP Dragon” gangster syndicate, na sangkot sa sunud-sunod na marahas na krimen sa Japan ang pina-deport kanina.
Kabilang sa pina-deport ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng Japan ang number 3 man ng grupo
Ayon sa BI, unang naaresto ng mga awtoridad si Tomohiro Koyama, 49, dahil sa kasong estafa o paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code in Relation to Presidential Decree 1689.
Nabawi rin mula kay Tomohiro ang isang baril, bala at hinihinalang iligal na droga.
Sa impormasyon ng BI, dumating sa bansa si Tomohiro noong 2019, at taong 2020 nang ilagay ito sa blacklist matapos itimbre ng Japanese government.
Una na ring pina-deport kahapon ang apat na iba pang Japanese nationals na sangkot din sa criminal syndicate sa Japan.