Jasmine Curtis-Smith, nanawagang higpitan pa ang batas laban sa film piracy

Nanawagan ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith sa otoridad na kung maaari ay mas higpitan pa ang batas laban sa film piracy.

Ito ay matapos piratahin ang kaniyang bagong pelikula na “Midnight in a Perfect World”.

Giit ng aktres, ang pamimirata ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan ang ibang film makers na mag-produce ng mas magandang content dahil wala nang kinikita ang kanilang mga pelikula.


“It’s difficult na nga na makakuha kami ng sinehan nu’ng panahon na puwede pang manood sa sine. Eh paano na ngayon na everything’s on streaming? Kung kukunin niyo pa ‘yung only opportunity na nga ng film makers at ng mga tao sa industriya ng pelikula at ng TV, paano pa kayo makakapag-expect ng bagong content in the future kung walang naiipon na pera? Kung walang kinikita na pera ang entertainment industry natin dito? ani Jasmine.

Kasunod nito, umaasa si Jasmine na mabibigyang pansin ang film industry sa bansa upang mapigilan na ang pamimirata sa mga pelikula.

Facebook Comments