Jay-ar “The Hitman” Inson ng Team Pacquiao, Panalo Kontra Terry Tzouramanis

*Cauayan City, Isabela- *Masayang umuwi dito sa bansa ang isa sa mga nagwagi na lumaban sa undercard fights ng “Fight of the Champions” na si Jay-ar “The Hitman” Inson ng Team Pacquiao na ginanap sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Jay-ar Inson ng Panabo City, nagwagi ito sa Welterweight Division via Unanimous Decision kontra sa Australian boxer na si Terry Tzouramanis.

Sa ngayon ay mayroon na itong record na 17-1 at wala pa umanong pinal na desisyon para sa kanyang susunod na laban.


Ayon pa kay Jay-ar inson, talagang pursigido umano ang ating Pambansang Kamao na Manalo kontra kay Lucas Matthysse kaya’t marami umano sa mga Pacquiao funs ang umasa na mananalo ito laban kay Matthysse.

Samantala, ilan rin sa mga nagwagi mula sa Team Pacquiao ay si Jhack *Tepora* ng Cebu bilang bagong WBA interim World Featerweight Champion via TKO kay Edivaldo Ortega ng Mexico.

Facebook Comments