Jayda, nilinaw ang tunay na estado nila ni Darren Espanto

Nilinaw ng young singer na si Jayda Avanzado na magkaibigan lamang sila ng Filipino-Canadian singer na Si Darren Espanto.

Ito ay sa kabila ng mga sweet actions ng Fil-Can singer sa kanya gaya ng pagbibigay ng regalo, pagdalaw sa kanilang bahay at open communication silang dalawa.

Ayon sa young singer na wala siyang feeling kay Darren at close friends lang sila.


Dinescribe rin ng dalaga na “genuine/crazy” ang binata.

Facebook Comments