Ayaw nang magbigay ng komento ang veteran pointguard ng TNT KaTropa na si Jayson Castro hinggil sa lumalabas na isyu na siya ang dahilan kung bakit nalipat ng ibang team si Terrence Romeo.
Nabatid kasi na umuugong ang balita na isa siya sa mga nag-petition para i-trade si Romeo dahil sa hindi magandang pakikitungo daw nito sa ibang teammates maging sa coaching staff.
Hindi na sinagot ni Castro kung totoo ang balita at sa halip, sinabi nito na nagfo-focus lang daw ang KaTropa para muling makakuha ng kampeonato kung saan gagabayan daw sila ng bago nilang coach na si Bong Ravena.
Matatandaan na ilang tatlong season na din ang nakalipas mula ng makasungkit ng huling championship ang TNT at nais daw nila ngayon na makabawi sa nalalapit na opening ng 2019 PBA Philippine Cup.