JBC, nag-abiso sa mga aplikanteng naka-schedule na magpasa ng documentary requirements

Naglabas ng anunsiyo ang Judicial and Bar Council (JBC) kaugnay sa pagsusumite ng mga aplikante ng kanilang mga documentary requirements ngayong naka work-from-home setup ang Korte Suprema dahil sa masamang panahon.

Ayon sa JBC, pwede pa isumite ng mga naka-schedule na aplikante ang kanilang mga kinakailangang dokumento bukas, araw ng Miyerkules.

Samantala, sa Huwebes, August 28 naman nakatakdang mag-umpisa ang public interview ng mga aplikante sa pagka-Ombudsman.

Sasalang sa unang araw ng interview sina:
• Philippine Competition Commission Chair Michael Aguinaldo
• DILG Undersecretary Romeo Benitez
• Atty. Jonie Caroche
• Court of Appeals Associate Justice Bautista Corpin at
• Retired Court of Appeals Justice Stephen Cruz

Ang mapipili ang papalit kay dating Ombudsman Samuel Martires na nagtapos ang termino noong July 27.

Facebook Comments