
Naglabas ng survey ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa 17 aplikante sa pagka-Ombudsman.
Ayon sa JBC, inaanyayahan nila ang publiko na ibahagi ang saloobin, suhestiyon, o komento tungkol sa mga aplikante na nais maging Ombudsman.
Nakalagay ang link ng survey sa Facebook page ng JBC na maaaring sagutan bago mag 4:30 ng hapon sa August 26.
Kabilang sa listahan sina Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan, Ret. Associate Justice Mario Lopez, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares-Jacinto.
Una nang napaulat na na-disqualify umano si Remulla dahil sa kaso sa Ombudsman kaugnay sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte pero tiwala ang kalihim na ibabasura rin ang reklamo.
Nabakante ang posisyon sa Ombudsman kasunod ng pagreretiro ni Samuel Martires noong July 27.









