JC de Vera, inaming taong 2018 pa ikinasal sa non-showbiz partner nito

142

Inamin ng aktor na si JC de Vera na taong 2018 pa siya ikinasal sa non-showbiz girl na si Rikkah Cruz.

Sa isang vlog na ini-upload ng aktres na si Erich Gonzales, inamin ni JC na una na silang ikinasal sa pamamagitan ng civil wedding ni Rikkah, bago pa nito ipanganak ang kanilang baby girl na si Lana Athena.


Nang tanungin naman kung bakit itinago nito ang balita, sinabi ng aktor na nais lamang niyang maging pribado ang kanilang relasyon.

Nabatid na sina JC at Rikkah ay naging magkaibigan sa loob ng pitong taon bago pumasok sa isang relationship.

Facebook Comments