Manila, Philippines – Itinanggi ng contractor na JC Tayag Builders Incorporated ang ulat na substandard housing ang kanilang ipinatayo para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Sa hearing ng House Committee on Housing and Urban Development, iginiit ni Juanito Tayag, may-ari ng contractor – walang katotohanan ang alegasyon ni Camilo Salazar dahil hindi naman ito engineer.
Aniya isa lamang na foreman so Salazar na sinibak sa trabaho dahil sa kabiguang sumunod sa plano.
Pero iginiit ni Salazar na substandard ang mga materyales na ginamit sa housing project.
Sa ulat ng National Housing Authority (NHA), sa higit 200,000 housing units ay higit 23,000 pa lamang dito ang natitirhan.
Nasa 73,000 pabahay pa ang patuloy ang itinatayo.
Samantala, plano ng komite na magsagawa ng joint hearing kasama ang house committee on good government para talakayin ang posibleng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno sa pagkakaantala ng housing projects.