JEE ICK JOO KIDNAP-SLAY CASE | Isa sa mga akusadong pulis, tatayong state witness

Manila, Philippines – Tatayong state witness ang isa sa mga pulis na akusado sa pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo.

Ito ay matapos katigan ng Angeles City Regional Trial Court ang hiling ng DOJ prosecutors na gawing testido si SPO4 Roy Villegas.

Ayon kay Angeles City RTC Branch 58 Judge Irineo Pangilinan Jr. – kahit na may direktang partisipasyon si Villegas sa execution stage, wala naman siyang direktang partisipasyon sa aktwal na pagpatay sa Koreano.


October 18, 2016 nang dukutin ng mga pulis si Jee at kasambahay na si Marisa Morquicho bilang bahagi raw ng anti-illegal drugs operations.

Sa loob pa mismo ng Camp Crame pinatay si Jee saka na-cremate sa isang punirarya sa Caloocan.

Kabilang din sa mga akusado sina Supt. Rafael Dumlao, SPO3 Ricky Sta. Isabel, retired policeman Gerardo “Ding” Santiago at Jerry Omlang.

Facebook Comments