Isang jeepney driver ang naging magandang halimbawa ng katapatan matapos isauli ang isang mobile phone na naiwan umano ng kanyang pasahero habang pumapasada noong Martes, Pebrero 17, 2026.
Ayon kay Robinson Mislang, 42-anyos na driver ng Calasiao-Dagupan jeep, napansin niya ang naiwan na telepono sa kanyang sasakyan at agad itong iningatan. Sinabi niya na pinili niyang hintayin ang pagtawag ng may-ari ng telepono upang maibalik din agad ito.
Makaraan ang ilang araw, wala pa rin umanong lumapit kay Mislang upang kunin ang cellphone. Dahil dito, nagdesisyon si Mislang na dalhin ang telepono sa himpilan ng IFM Dagupan upang masiguro na maibalik ito sa tunay na may-ari sa tamang paraan.
Ang ginawa ni Mislang ay nagpakita ng pagiging responsableng mamamayan at pagtupad sa tamang asal kahit sa simpleng sitwasyon, na nagbibigay inspirasyon sa lokal na komunidad.
Para sa sinumang makakapagpatunay ng pagkakakilanlan ng may-ari, makipag-ugnayan o pumunta lamang sa himpilan ng IFM Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










