Jeepney driver todas matapos pinagbabaril ng pasahero

General Santos City— dead on arrival sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang isang Jeepney Driver matapos itong pinagbabaril ng kanyang pasahero habang nagmamaheno ng kanyang jeep sa National Highway ng Barangay Labangal, Gensan.
Kinilala ang biktima na si Jawaril Abdullah, residenti ng Prk. 11, Barangay Fatima, Gensan.
Ala 1:00 ng hapon habang nagmamaniho ng kanyang jeep ang nasabing biktima ng bigla itong pinagbabaril ng dalawang suspek na pasahero ng kanyang jeep. Agad na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay agad na isinugod ng pagamutan pero binawian din ng buhay.
Sinabi ni Police Chief Inspector Jing Salarda, Chief Of Police ng Makar PNP na base sa kanilang pag-embistiga sa conductor ng jeep na nagulat ito ng biglang nakarinig ng putok ng baril.
Duon na nito nakita ang kanyang driver na dugoan, pag lingon nito, kanyang nakita ang dalawang pasahero na tumakbo na palayo. Hindi na nito hinabol dahil sa subrang takot na siya naman ang pagbabarilin.
Sa ngayon under investigation pa ang nasabing insidenti.
Romualdo, Caryll Dave Silagan, Ray Sabillo

Facebook Comments