Jeepney modernization program, dagdag pa sa problema ng mga tsuper ngayong matumal ang biyahe

Pasakit ang nararansan ngayon ng mga jeepney drivers lalo na sa itinutulak na jeepney modernization program.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Ang Probinsiyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos na bagama’t maganda sana ang layunin ng programang ito ay hindi magiging madali na humanap ng pagkukunan ng pambili ng bagong jeep.

Ayon kay Delos Santos, hirap na ngang kumita nang ₱200 sa isang araw ang mga tsuper ay dadagdagan pa ang iisipin nila sa pagbabayad ng loan para sa modernization.


Kasunod nito, problema rin aniya ang pagbabawal ng gobyerno sa ilang ruta sa national roads kahit na dito karamihan ang dagsa ng mga pasahero.

Facebook Comments