Jeepney phase-out, wala ng atrasan

Manila, Philippines – Wala nang atrasan ang jeepney modernization program.

Ito ang tiniyak ng Palasyo ng Malacañang sa publiko.

Desidido kasi ang pamahalaan na maisakatuparan ang pagbabago sa public land transportation sa susunod na taon.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, matagal nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtiyak na matutuloy ang Jeepney modernization na dapat na maisakatuparan sa buwan na ng Enero ng susunod na taon.

Sinabi ni Roque na ngayon ngayon ay responsibilidad na ng DOTR ang pagbalangkas ng detalye sa pagsusulong ng modernisasyon sa hanay ng mga nasa transportasyon ng pampasaherong jeepney.

Matatandaang nagbitiw ng salita ang Pangulo noong nakaraang buwan na ayaw na niyang may makita pang kakarag karag na jeep sa susunod na taon at kung hindi susunod ang mga tsuper at operators ay iimpound, bukod pa sa ipapa paresto ang tsuper na nagmamaneho ng jeep na dapat ng makasama sa phase-out.

Facebook Comments