Jennica Garcia, sumagot sa akusasyong ginagamit ang ‘sex’ pang-clickbait sa livestream

1822
Instagram/@jennicauytingco

Bumuwelta si Jennica Garcia sa isang netizen na nagsabing ginamit niya lang ang topic na “sex” bilang “clickbait” sa kanyang livestream kamakailan.

Nitong Lunes nang mag-post ang aktres sa Instagram na tatalakayin niya ang tungkol sa “relationship, sex at travel” nila ng asawang si Alwyn Uytingco, sa kanyang live session sa Twitch.


Sa sumunod na araw, binalandra ni Garcia ang screenshot ng message ng isa niyang follower na nagsabing naniniwala siyang clickbait lang ang “sex” sa naturang post.

Anang netizen, “100% sure the “sex” part is clickbait. Not downloading twitch but will stay subscribed to Instagram. Not going to see or hear anything “juicy/saucy” anyway.”

Sagot ni Garcia sa netizen na naka-block na sa kanya, “Una sa lahat pwede ka naman ulit gumawa ng bagong account dahil nagtatago ka kaya alam kong mababasa mo rin naman ito. 2 followers, private account, no profile pic. Malakas ang loob mo dahil hindi nakikita ang mukha mo.”




“Clickbait? Hindi mo napanood kaya hindi mo alam that it was discussed in the stream. Almost 50% of the live stream was about sex and I don’t see why it shouldn’t be talked about,” depensa niya.

Kasunod nito, ipinaliwanag naman ng aktres na walang mali sa pagtalakay ng sex.

“SEX IS BEAUTIFUL ESPECIALLY WHEN DONE WITHIN THE BOUNDARIES OF MARRIAGE. It SHOULD be talked about more so that unwanted pregnancies that lead to abortion and SUICIDE due to heartbreak can be lessened in the world,” aniya.

“I don’t normally react to tasteless messages just like what you’ve sent, but what’s disgusting really is NOT sex itself but HOW YOU CHOOSE TO SEE IT,” banat ni Garcia sa huli.

View this post on Instagram

BLOCKED. Una sa lahat pwede ka naman ulit gumawa ng bagong account dahil nagtatago ka kaya alam kong mababasa mo rin naman ito. 2 followers, private account, no profile pic. Malakas ang loob mo dahil hindi nakikita ang mukha mo. Click bait? Hindi mo napanood kaya hindi mo alam that it was discussed in the stream. Almost 50% of the live stream was about sex and I don’t see why it shouldn’t be talked about. SEX IS BEAUTIFUL ESPECIALLY WHEN DONE WITHIN THE BOUNDARIES OF MARRIAGE. It SHOULD be talked about more so that unwanted pregnancies that leads to abortion and SUICIDE due to a heartbreak can be lessened in the world. Letting people know of your own mistakes and struggles as single woman/man or being in a relationship as boyfriend and girlfriend has the power to make other people who are going through a difficult time know that they are not experiencing the pain alone. That other people go through it too and that they were able to rise above it. AND SO CAN THEY. Please lang, do not follow and do not subscribe just to see past episodes of my channel on Twitch with that attitude of yours. I don’t normally react to tasteless messages just like what you’ve sent but what’s disgusting really is NOT sex itself but HOW YOU CHOOSE TO SEE IT.

A post shared by Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco) on

Facebook Comments