Jennyln Mercado, muntik nang mabulag

Masayang ibinalita ngayon ng aktres na si Jennyln Mercado na magaling na ang kanyang sakit na glaucoma.

30-years old nang malaman ni Jennyln na halos 60 percent ng kanyang paningin ay nawawala na.

Ginawa daw nila ang lahat ng paraan upang hindi ito tuluyang mabulag kung saan dumating pa sa punto na nawala na raw siya ng pag-asa.


Pero thankful daw si Jennyln sa Panginoon dahil hindi siya pinabayaan kung saan inirekomenda sa kanya ng kanyang doktor na i-try ang acupuncture.

Every week daw siyang nagpapa-acupunture at hindi nagmimintis.

Nagbunga naman daw ang kanyang paghihirap dahil magaling na siya ngayon.

Facebook Comments