Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na

“It’s always been a YES”

Ito ang naging Instagram caption ng aktres na si Jennylyn Mercado para ianunsiyo ang engagement nila ng aktor na si Dennis Trillo.

Ibinahagi rin ng couple sa YouTube ang proposal video ni Dennis kay Jennylyn.


Ayon kay Dennis, simple lang pero intimate ang naging proposal niya kay Jennylyn at sa bahay na lamang ginawa para sa safety reasons.

Kinumpirma rin ng aktres na siyam na linggo na itong buntis.

Naramdaman niya raw ang sintomas na buntis siya habang nasa lock-in taping ng kaniyang show.

Umaasa naman si Jennylyn na babae ang magiging anak nila dahil nabiyayaan na sila ni Dennis ng dalawang lalaki.

Facebook Comments