Jeric Lim ang kapwa akusado ni Narc Delemios sa pagpatay sa 19-anyos na binatilyo, naaresto na

Manila, Philippines – Naaresto na ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group ang suspek sa pagpatay sa labing siyam na taong gulang na si Gino Balbuena, kahapon.

Kinilala itong si Jeric Lim, 25-anyos, residente ng Barangay 190, Pasay City na kapwa akusado ni Narc Delemios ang suspek rin sa pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr.

Ayon kay Supt. Jonathan Calixto, ang hepe ng Task force Limbas ng PNP-HPG, inaresto nila ang suspek sa SM Dasmarinas, Cavite sa pamamagitan ng warrant of arrest na hawak nila dahil sa kasong murder.


Si Balbuena ay pinatay umano nina Lim at Delemios dahil lamang sa larong basketball noong 2014 at nakapag-release ang korte ng warrant of arrest noong 2015.

Sa ngayon, nanatili sa kustodiya ng PNP-HPG si Lim.

Facebook Comments