Jessa Zaragoza, legal na inaksyunan ang basher ng anak

@jessazaragoza on IG

Sa isang press conference para sa darating na concert ni Jessa Zaragoza, sinabi ng singer-actress na inaksyunan na nila ang death threat mula sa isang netizen na natanggap ng kanyang anak, Jayda Avanzado, kamakailan lang.

“Oo, inaksyunan namin yon – legal. Minor siya e. May hangganan naman ang pagpapasensya e. Sumobra na. Hindi puwedeng joke joke lang ‘yun ‘di ba? Kailangan maging responsable ka sa mga salitang lumalabas sa bibig mo,” ani Jessa.

Kahit aniya matapang si Jayda, ikinatakot nito ang natanggap na death threat dahil na rin aniya “hindi maaasahan ang mga kayang gawin ng kabataan ngayon.”


“Ako, bilang nanay, ginawa ko lang yung nararapat na gawin.”

Matatandaang ipinost ni Jessa Zaragoza sa Instagram ang pagkadismaya nito sa ilang komento ng mga netizen sa kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

Pinag isipan ko muna ito ng ilang araw bago ko ito pinost.Di na nga lang sana,pero tuloy pa din kayo sa ginagawa nyo kay Jayda.Naisip ko,talagang sumobra sobra na kayo.Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda,below the belt na mga tira, pangungutya,ilang beses na din nakatanggap ng “P***ngina yung anak namin sainyo.Never namin minura ang anak namin.Pero kayo,wagas ang pagmumura nyo kay Jayda.Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin.Ganun kalalakas ang luob nyong gumawa ng ganyan. I’d like to call your attention @iam_sandra08 (sa twitter,hindi sa IG) Itong tweet mo sa twitter sa account ng anak naming si @jayda, kausap mo ang kaibigan mo, si @nera22621829 .Mga iha, titigan nyo mabuti yung pictures na pinost ko. “Tweet” nyo yan sa anak namin,si jayda. @iam_sandra08 iha?sabi mo sa tweet “KILL THAT GIRL” . Tweet mo yan,although alam ko binura mo na.Ikaw ang nag tweet nyan. GUSTO MONG MAMATAY ANG ANAK NAMIN?O GUSTO MONG IPAPATAY? Iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinag gagawa mong ganito?! Di ba gaGraduate ka na? Alam ba ng iyong paAralan na ganito ka mag salita? Tweet mo ito iha, tweet na sinend mo sa “Nag iisa naming anak” si JAYDA. @iam_sandra08 Kayo ba ng iyong kaibigan na si @nera22621829,ay talagang wala ng kinatatakutan?kung di kayo takot sa mga magulang nyo, di na ba uso ang “DIYOS” sainyo??!! #Stopthiscyberbullying #notocyberbullying (SWIPE LEFT TO SEE ALL PICTURES)

A post shared by Jessa Zaragoza-Avanzado (@jessazaragoza) on

Facebook Comments