Jessy Mendiola, ipinasilip ang hitsura ng mukha ni Baby Rosie

Ipinasilip ng pinay aktres na si Jessy Mendiola sa social media ang mukha ng kanilang baby girl ni Luis Manzano.

Sa kaniyang Instagram post, inupload ni Jess yang close-up photo ni Baby Rosie na siyang kinagiliwan ng mga followers.

Hindi naman nagpahuli si Luis sa pag-comment “Peanut!” sa post ng kaniyang asawa.


Umulan din ito ng pagmamahal at suporta sa kapwa nilang artista at showbiz personalities.

Bago matapos ang taong 2022, nanganak si Jessy kay Baby Rosie pero ibinunyag lamang ito ng mag-asawa dalawang linggo matapos ang panganganak.

Facebook Comments