Jessy Mendiola – napikon sa kanyang basher

Manila, Philippines – Hindi na naman nakapagpigil ang aktres na si Jessy Mendiola nang patulan ang isa niyang basher na nagkomento sa kanyang instagram post.

Kaugnay nito ng hindi pagkakapasok ng aktres sa top 10 initial tally ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2017.

Sa larawang ibinahagi ni Jessy sa instagram, isang basher ang nagtanong kung anong pakiramdam ngayon ng aktres na hindi man lang ito nakapasok sa top 5 mula sa pagiging top 1 noong isang taon.


Dagdag pa ng basher, baka raw iwan na siya ni Luis Manzano dahil dito.

Sagot naman ng aktres, hindi raw niya ikamamatay ang hindi pagkakapasok sa FHM at sinabihan ang basher na sumali para di ito masyadong ma-stressed.

Binura naman na ni Jessy ang naturang comment section sa kanyang instagram account.
DZXL558

Facebook Comments