Jessy Mendiola, sinagot ang isang basher matapos tawaging “cheater”

Pumalag si Jessy Mendiola sa isang basher matapos siyang tawaging: “jumowa ng may jowa” o nakipagrelasyon sa taong may karelasyong iba.

Sa Instagram, nag-post si Alex Gonzaga tungkol sa pagiging single hanggang sa dumating ang kanyang boyfriend na si Mikee Morada.

Nag-comment dito si Jessy ng heart emojis, at dito nag-reply ang isang basher kung saan sinabihan siyang manloloko o “cheater.”


Ini-link din ng basher si Jessy sa isyu nina Julia Baretto, Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sagot lamang sa kanya ni Jessy: “move on!” With kissing emoji.

Matatandaang hindi na tinantanan ng bashers si Jessy na itinuturong dahilan ng hiwalayan ng kasalukuyang boyfriend na si Luis Manzano at Angel Locsin.

Facebook Comments