Jesus Anastacio, Nanguna sa 6th Caritan Centro Chess Tournament

Cauayan City, Isabela – Nanaig si Jesus Anastacio sa ginanap na taunang torneo ng ahedres sa Tuguegarao City.

Ang 6th Caritan Centro Barangay Fiesta Invitational Chess Tournament na ginaganap taon-taon sa Tuguegarao City ay siyang pinakamahabang tuloy-tuloy na torneo ng chess sa buong rehiyon.

Si Ginoong Anastacio ay tumanggap ng anim na libong piso at tropeo bilang pinakamagaling sa halos isang daang manlalaro ng ahedres na sumali. Ginanap ito sa gymnasium ng Tuguegarao North Central School sa naturang ding barangay.


Pumangalawa at pumangatlo sina si Jake Tumaliuan at Robert Bitamor na kapwa taga Tuguegarao City. Pang apat naman si Engineer Deo Vehemente ng Lungsod ng Ilagan.

Sa puwestong pang lima hanggang pang sampu ay inokupahan nina Randolph Langcay, Bencelie Fernandez, Vincent de Luna, Angel Tango, Melchor Foronda at Robert Mania. Maliban kay Melchor Foronda na pang siyam at Robert Mania na pang sampu na kapwa taga Isabela ay pawang mga taga Tuguegarao ang kasama sa top ten ng torneo.

Sa naturang torneo ay kinilala din ang mga sumusunod.: Top Caritan Player na si Rommel Pe Benito; Youngest Player na si Mary Dominique Garcia ng Iguig, Cagayan; Top Senior na si Jonito Tumaliuan ng Tuguegarao; Top College Player na si Melchora Foronda ng Naguillan, Isabela; Top Junior na si Bencelie Fernandez ng Tuguegarao City; Top Female Player na si Darlene Dannog ng Apayao at mga Top Elementary Players na sina Rainier Monteclaro at Lance Langcay ng Tuguegarao City at Zyanne Martinez ng Apayao.

Ang 6th Caritan Chess Tournament ay dinaluhan ng mga manlalarong galing sa mga lalawigan ng Apayao, Isabela at Cagayan.

Halos kalahati din sa mga sumali ay mga elementarya at high school chess players ng Cagayan at Isabela na naglaro sa mga district meets ng Dep-ed at maglalaro sa darating na CAVRAA 2020.

Dalawang mga may potensiyal na chess players din ang sumali na sina Apayao lady chess player Mhage Gerriahlou Sebastian ng FEU na nakagawa ng magandang performance sa UAAP 2019 at Josh Gumiran ng Tuguegarao na naging medalist sa ASEAN Age group under 8 championship na ginanap noong nakalipas na taon.

Binuksan ang torneo ng mga opisyales ng barangay Caritan Centro na pinangunahan nina Punong Barangay Restituto Ramirez at SK Chairman Jhony Benedicta Sy Cepeda.

Facebook Comments