Manila, Philippines – Tinanggap na ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) senatorial bet at dating broadcast journalist na si Jiggy Manicad ang kaniyang pagkatalo sa pagka-senador nitong eleksyon ng 2019.
Base sa pinakahuling partial at unofficial count, nasa ika-20 pwesto si Manicad na may mahigit 6 na milyong boto.
Nagpasalamat naman si Manicad sa kaniyang mga taga-suporta na nag-volunteer sa kaniyang kampanya at bumoto sa kaniya sa araw ng halalan.
Pinasalamatan rin niya si Davao City Mayor Sara Duterte, campaign manager ng HNP.
Binati rin niya ang mga nanalong kandidato, lalo ang kaniyang mga kapwa kandidato sa HNP.
Kasabay nito, hinikayat ni Manicad ang mga mamamayan na magtulungan para sa bansa.
Sabi pa ni Manicad wala pa siyang plano sa mga susunod niyang gagawin matapos ang eleksyon.