Jihad na lalaban sa kahirapan, ilulunsad ng BTA

Ilulunsad ng interim government of the Bangsamoro Region ang bagong jihad na lalaban sa kahirapan at kapabayaan.

Ito ay kasabay ng inagurasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim – nangako silang magkakaroon ng “moral governance”.


Tiniyak din ni Ebrahim ang kanilang commitment sa pagbubuwag sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Binanggit din ni Ebrahim na ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) ay naaayon sa pagtuturo ng Islam.

Ang interim government ay pamumunuan ang Bangsamoro Autonomous Region hanggang sa makapaghalal ng bagong regional leaders sa 2022.

Facebook Comments