Jillian Ward, inialay ang sariling bersiyon ng awiting “Heal the World” para sa mga frontliners

47

Inialay ng aktres na si Jillian Ward ang sariling bersiyon nito ng awiting “Heal the World” para sa mga frontliner sa bansa na patuloy na lumalaban sa COVID-19.

Sa isang video na ipinost ng aktres sa kaniyang YouTube account, mapapanood ang slideshow ng mga medical personnel na abala sa kanilang trabaho hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.


Isang personal message naman ang ibinahagi ni Jillian sa lahat sa pagtatapos ng video na may mensaheng ‘Thank you for your service and sacrifice! Saluting all our frontliners!’.

Sa ngayon, mahigit 8,000 na ang views ng naturang video na umani ng 14,000 likes at halos 200 comments.

Facebook Comments