Jimmy Alapag, balik bilang assistant coach ng Sacramento Kings sa NBA Summer League

150

Balik bilang assistant coach ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player at captain ng Gilas Pilipinas na si Jimmy Alapag sa koponang Sacramento Kings sa National Basketball Association (NBA) Summer League.

Ito ay matapos mapabilang si Alapag sa listahan ng mga assistant coach ng Kings ayon sa ulat ng NBC Sports.

Makakasama ni Alapag ang head coach ng Kings na si Bobby Jackson kung saan mahahawakan nito ang kapatid ng NBA stars na sina Giannis, Kostas at Thanasis na si Alex Antetokounmpo.


Matatandaang taong NBA Summer League noong 2019 nang mapabilang si Alapag sa Kings.

Facebook Comments