Jimmy Butler ng Chicago Bulls – lilipat na ng Minnesota Timberwolves

57

NBA – Makakasama muli ni three-time all-star Jimmy Butler ng Chicago Bulls ang dati nitong coach na si Tom Thibodeau matapos siyang makuha ng Minnesota Timberwolves sa ginanap na draft-deal.

Napunta rin sa Wolves si Justin Patton na dating teammate ni Kobe Paras sa Bule Jays.

Sa panig naman ng Bulls, nakuha nila ang guard players na sina Kris Dunn at Zach Lavine gayundin ang 7-footer na si Lauri Markkanen mula sa Arizona.


Ang nasabing draft deal ay kinumpirma mismo ni NBA Commissioner Adma Silver.

Facebook Comments