Manila, Philippines – Bukas na makapagtrabaho muli sa gobyerno si dating senador Jinggoy Estrada.
Kasunod ito ng pansamantalang paglaya niya kahapon matapos na makapag-piyansa ng P1.3-million.
Ayon kay Estrada – kung bibigyan siya ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, masaya niya itong tatanggapin.
Pero sa ngayon, prayoridad pa rin daw niya na makasama muna ang kanyang pamilya bago ang iba pang gawain.
Samantala, bukas ay agad na sasalang sa pagdinig si Estrada para sa kinahaharap niyang plunder case.
Nabatid na halos tatlong taong nakulong sa PNP Custodial Center ni Estrada kaugnay ng kontrobersyal na PDAF scam.
Facebook Comments