Jinggoy Estrada, naghain ng COC sa pagka-senador

Humabol sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw si dating Senador Jinggoy Estrada.

Target ni Estrada na makabalik sa Senado sa halalan sa 2022.

Dahil dito, umabot na sa tatlong senatoriables ang naghain ng kandidatura sa ikatlong araw ng COC filing sa Sofitel.


Kabilang rin dito sina Nahar Jinggoy Salih at Atty. Luz Aquino na nagsilbi ring kinatawan ni Tiburcio Marcos na nagbabalak tumakbo sa pagka-pangulo.

Walong partylist groups naman ang maagang naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ngayong araw na kinabibilangan ng:

• 1-UTAP Partylist na kumakatawan ng sektor ng mga tsuper
• Abono Partylist na kumakatawan sa mga magsasaka
• Voice Philippines
• ACT 1
• Ilocano Defenders
• Manibela Partylist na kumakatawan sa sektor ng transportasyon
• 1-A SECAP
• Patrol Partylist

Simula Oktubre 1, nasa 37 partylist groups na ang nakapaghain ng CONA.

Facebook Comments