JINPING VISIT | SPD, handang magbigay ng dagdag pwersa

Manila, Philippines – Nakahanda na ang mga tauhan ng Southern Police District o SPD para magbigay seguridad sa mga lugar na pupuntahan ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay SPD Spokesperson Police Supt. Jenny Tecson, handa na ang kanilang pwersa sa anumang magiging sitwasyon sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi.

Aniya, may limang lugar kung saan itinalaga nila ang mga anti-riot police.


Kabilang rito ay sa Bonifacio Global City sa Taguig City kung saan maraming mga hotel.

Bukod pa aniya rito ang imomobilize na pwersa ng NCRPO sa Gil Puyat Avenue kung saan makikita ang konsulada ng China.

Sabi pa ni Tecson, mayroon ring apat na checkpoint areas na ilalagay na siyang magbabantay sa mga motorista.

Facebook Comments