JM de Guzman, waging Best Actor sa 2021 Asian Academy Creative Awards

Nakamit ng aktor na si JM de Guzman ang Best Actor Award sa 2021 Asian Academy Creative Awards para sa pagganap nito sa primetime series na Init Sa Magdamag.

Ang serye ay may international title na “When Love Burns” kung saan gumaganap si JM bilang Peterson Alvarez.

Sa Instagram account ng aktor nito ibinahagi ang balita na nakatanggap ng pagbati hindi lang mula sa mga netizens kundi maging sa ilang personalidad.


Samantala, wagi namang Best Actress sa awarding ceremony si Maja Salvador para sa drama series na Niña Niño; Nonie Buencamino bilang Best Supporting actor at Sylvia Sanchez bilang Best Supporting actress.

Ang mga nagwagi ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Grand Awards sa darating na Disyembre kung saan makakaharap nila ang iba pang nagwagi mula sa Asya.

Facebook Comments