Manila, Philippines – Dapat samantalahin ng mga jobseekers ang may 3,000 local at overseas employment opportunities sa job fair na binuksan ngayong araw sa Kampo Krame.
Ito ay kaugnay sa ginaganap na selebrasyon ng ika-23rd PNP Police Community Relations month ngayong araw.
Inorganisa ang job fair na may temang “Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Mamamayan, Hatid ay Kaunlaran.”
Base sa ulat may 15 employers ang makikiisa sa okasyong ito, 12 ay para sa local employment at 3 ang sa overseas employment.
2,500 jobseekers ang kailangan para sa local employment at 350 naman ang kailangan para sa overseas vacancies.
Kabilang sa nangungunang 10 job vacancies ay office staff, data encoder, IT specialist, computer technician, skilled workers, engineers, sales clerk, bagger, stock clerk, janitor, janitress, production worker, factory worker, pump attendant, promodiser, merchandiser, at service crew at cashier o kahera.
Bukas din ang membership registration services mula sa PhilHealth, Social Security System (SSS) at Pag-IBIG, gayundin ang training registration services mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) .
Para sa mga interesadong applicants, kailangan lang na magdala ng application requirements tulad ng resume; 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa dati nang nakapagtrabaho; diploma, 8 transcript of records; at authenticated birth certificate.
Inaasahang makiisa din sa selebrasyon sa Kampo Krame si Special Assistant to the President Christopher Lawrence Bong Go.