𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗗𝗜𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Sa darating na ika-7 ng Disyembre, araw ng Huwebes nakatakdang isagawa sa bayan ng Lingayen ang Job Fair at Kadiwa ng Pangulo para sa mga manggagawa.
Matatagpuan ito sa Pangasinan Training and Development Center II, Capitol Compound sa bayan kung saan pangungunahan ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Layunin ng mga aktibidad na ito ay bilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng ahensyang DOLE sa kanilang ika-90 taong anibersaryo ng ahensya na may temang “Serbisyong Mabilis at Matapat sa bagong Pilipinas”.

Samantala, sa gaganaping job fair sa bayan nasa kabuuang 11 na mga Local Employment kabilang na rin ang tatlong Overseas recruitment agencies nakatakdang magbigay ng oportunidad na mga trabaho sa mga Pangasinenseng aplikante.
Itatayo naman ng iba’t ibang mga ahensya gaya na lamang ng Social Security Services (SSS), Department of Migrant Workers (DMW), at PAG-IBIG Funds ang kanilang pwesto para sa one-stop shop services upang hindi na mahirapan ang mga matatanggap sa trabaho na ayusin ang kanilang mga inisyal na requirements sa kanilang pagtatrabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments